7 Dapat gawin para maiwasang antokin habang nagtatrabaho sa opisina

7 Dapat gawin para maiwasang antokin habang nagtatrabaho sa opisina

Share this article.

Hindi magandang nakakaramdam tayo ng antok habang nasa trabaho dahil malaki ang epekto nito sa ating productivity at performace. Hindi rin magandang nakikita ka ng mga kapwa empleyado, kliyente at maging ng management na pupungas pungas habang ang mga kasama mo ay nagtatrabaho.

Kaya kung ayaw mong makatulog sa trabaho, alamin natin ang 7 dapat gawin upang maiwasang makaramdam ng antok habang nasa trabaho sa opisina.

 

1. Matulog ng 8 oras

Ang bawat adult ay kailangang matulog ng mula 7 hanggang 9 oras araw-araw upang magkaroon ng sapat na pahinga ang katawan. Kung wala itong sapat na tulog, normal lamang na makaramdam ng pagka antok habang nasa trabaho na magdudulot ng pagbaba ng hanggang 29% ng productivity.

2. Maglakad bago pumasok sa trabaho

Malaki ang naitutulong ng paglalakad tuwing umaga lalo na bago pumasok ng trabaho. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong naglalakad ng 20 minuto tuwing umaga ay nakararamdam ng kakaibang lakas na madarama sa maghapon. Kung makakasanayan mong maglakad araw-araw, hindi lang ang pagiging produktibo mo ang maaapektuhan, makakatipid ka din sa pamasahe na maaari mong maidagdag sa ipon.

3. Magpahinga tuwing break

Maswerte ka kung ang kumpanya mo ay nagbibigay ng 3 sets ng break araw-araw. Samantalahin ang mga oras na ito upang makapag pahinga ang katawan at ma-relax ang iyong isip. Maari ka ding umidlip sa mga oras na ito upang mabawasan ang stress mo at mga posibilidad na makaramdam ka ng antok habang nagtatrabaho.

4. Papasukin ang liwanag ng araw sa opisina

Kung ang iyong pwesto sa opisina ay may bintana, maaari mong ihawi ang kurtina nito upang pumasok ang natural na liwanag mula sa araw. Pero kung malayo ka sa bintana o  kaya namay hindi ka pinapayagang buksan ang mga kurtina nito dahil sa privacy, maari ka namang gumamit ng desk lamp.

Ang sapat na liwanag mula sa araw o sa bumbilya ang nagdidigta sa “sleep clock” ng ating katawan na hindi pa oras ng pag tulog.

5. Uminom ng kape

Hindi na mawawala sa buhay ng mga nagtatrabaho ang paginom ng kape. Ang tamang dosage o pagkunsumo nito ay nakakatulong sa pagiging aktibo at alerto ng ating utak at nervous system sa oras ng trabaho. Maswerte ka kung ang iyong opisina ay nagbibigay ng libreng tubig na mainit at kape sa kanilang mga empleyado.

6. Magbaon ng snacks

Ang pagkain ng snacks habang nagtatrabaho ay ay hindi lamang nakadaragdag ng enganyo, ito ay nakakatulong din sa pagiging alerto at pagkabawas ng matinding antok.

Paalala lamang, upang masiguro na wala kang ma violate sa inyong company policy, kumunsulta lamang sa HR department at itanong kung maaari bang magdala ng snacks sa inyong mga station.

7. Uminom ng maraming tubig

Ang paginom ng tubig sa oras ng trabaho ay nakatutulong sa pagiwas ng dehydration. Kapag ang tao ay dehyrated, mahihirapan itong makapag focus sa isang bagay, lalong lalo na kung kailangan ng multi tasking ang trabaho nito.

Ang regular na pag inom ng tubig ay nagreresulta din ng madalas na pag-ihi. Dahil mayat maya tumatayo ang isang empleyado, nadaragdagan ang pagiging aktibo nito at nawawala ang pakiramdam ng pagka antok.

 

Kaya mong labanan ang antok

Mahalaga ang sapat na tulog upang maiwasan ang pagka antok at kawalan ng ganang gumawa sa oras ng trabaho. Pero kung hindi mo na kayang labanan ang antok at bago ka pa mahulog sa mahimbing na pagkatulog, alamin ang 6 na dapat gawin kung inaantok ka habang nagtatrabaho sa opisina.

Tandaan na kapag nahuli tayo ng ating kapwa empleyado, immediate supervisor, o mas malala, ang company HR, maari tayong bigyan verbal or written warning, notice to explain, at mas malala, suspension without pay kung madalas mo itong ginagawa.

Nagtatrabaho tayo upang mabuhay kaya lagi nating unahin ang ating kalusugan dahil ito ang puhunan natin sa araw araw na pag-gawa.

Kung gusto mong makatanggap ng mga tips upang maging produktibo sa iyong trabaho, magsubcribe lamang sa aming newsletter upang makatanggap ng email notification tuwing lunes.

Josh Salcedo
Author: Josh Salcedo

Freelancer, Web Developer.


Share this article.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *