Kumita Online Sa 10 Freelance Job Na Ito Ngayong 2021

Kumita Online Sa 10 Freelance Job Na Ito Ngayong 2021

Share this article.

Naghahanap ka pa din ba ng legal na pagkakakitaan habang nasa bahay ngayong nasa community quarantine pa rin ang bansa? Oras na siguro para pasukin mo ang mundo ng freelancing career.

Ano ang nga ba ang freelance? Ito ay isang uri ng career kung saan ang isang self employed ay nagtatrabaho para sa kanyang kliyente para sa isang maiksing proyekto. Kumpara sa regular na trabaho, ang freelancing job ay kalimitang tumatagal mula sa isang oras hanggang ilang buwan, dipende sa uri ng trabaho at proyekto.

Excited ka na bang malaman kung ano-anong trabaho ang pwede mong pasukin upang kumita online ngayong pandemic? Kumita online sa pamamagitan ng 10 freelance job na ito.

1. Writer

Sa trabahong ito, karaniwang magsusulat ka ng mga artikulo upang magkaroon ng engagement ang mga audience ng iyong kliyente sa kanyang website. Ito ay upang makabenta ang iyong kliyente ng kanyang mga produkto at serbisyo.

2. Social Media Manager

Kung marunong kang gumamit ng mga social media sites at apps, madali na para sayo ang trabahong ito. Dipende sa ibibigay na task sayo, maaari kang gumawa ng ng mga infographics, banner at captions na ipopost mo sa social media accounts ng kliyente mo. Isa pang task ay ang sumagot sa mga direct messages at comments sa mga posts sa social media accounts na inaalagaan mo.

3. Graphic Artist

Kung gusto mo namang maging graphic artist, ang mga posibleng task mo ay logo designing, photoshop editor, website design, at marami pang iba na may kinalaman sa photo editing.

4. Video Editor

Madalas naman na ginagawa sa trabahong ito ay ang page-edit ng videos para sa blog (vlog), patalastas, pelikula at dokumentaryo.

5. Administrative Assistant

Ang mga posibleng task naman bilang isang administrative assistant ay appointment setter, research, email and calendar management, at marami pang iba.

6. Transcription

Sa trabahong ito ay itatype mo ang mga salitang naririnig mo mula sa audio files na ibinigay ng iyong kliyente.

7. Lead Generation

Dito ay maghahanap ka ng mga leads upang makabenta and produkto o serbisyo ang iyong kliyente. Sa paghahanap ng mga leads, aalamin mo ang mga interest, trabaho, contact number at email address ng mga tao o institusyon na posibleng maging kliyente ng boss mo.

8. Data Entry

Ito na ang pinaka madaling trabaho na pwede mong pasukan bilang freelancer. Simple lang ang trabahong ito. Galing sa salitang “entry,” mage-enter lamang tayo ng mga data mula sa larawan, video, at iba pang dukumento papunta sa ibang file types gaya ng excel o project management software.

9. Tutor

Dahil sa pandemya, napilitang isuspinde ang face-to-face classes ng lahat ng paaralan. Dahil dito, maraming estudyante ang nangangailangan ng tutor para sa kasalukuyang umiiral na distance learning setup.

10. Website Developer

Dahil sa covid restriction, maraming negosyo ang limitado ang operasyon o hindi pinapayagang magbukas ng pisikal na tindahan. Upang magpatuloy ang takbo ng negosyo, kailangang maging available online ang mga produkto at serbisyo, sa pamamagitan ng social media at website.

11. Bookkeeper (Bonus)

Sa dami ng mga online negosyo ngayong panahon ng pandemya, nagbabala ang Bureau of Internal Revenue sa mga online sellers na magparehistro ng kanilang mga negosyo. At dahil hindi naman lahat ng mga negosyante ay marunong ng entry sa book of accounts kung kayat nangangailangan sila ng tulong mula sa mga bookkeeper. Paalala lamang na upang maging bookkeeper, kailangan ay mayroon kang degree na may kinalaman sa accounting, lisensya o di kayang opisyal na sertipikasyon mula sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng TESDA.

 

Ready ka na bang magumpisa sa Freelancing Career?

Hindi mo naman kailangang matakot kung maguumpisa ka pa lamang bilang isang freelancer. Lahat naman ng mga bihasa sa industriyang ito ay nagumpisa sa wala at pangangapa.

Kung gusto mong lumawak ang kaalaman mo tungkol sa freelancing, magsubscribe lang sa aming weekly newsletter upang makatanggap ng notification sa email tungkol sa mga tips at tricks sa pagiging freelancer.

Josh Salcedo
Author: Josh Salcedo

Freelancer, Web Developer.


Share this article.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *